who subscribes

Monday, April 5, 2010

Summer Boredom

Summer Boredom


Ilang araw na rin naman ang lumipas mula nung nag-check out ako dun sa dorm. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang gawin yun ng paulit-ulit samantalang babalik naman ako sa June. Bakasyon naman na kasi after a year of so much, you know, hell weeks, kaya ok lang na sa panandalianbg panahon ay mawalay ako sa UP[LB] kong mahal. :)

Ngayong bakasyon, as always, tinatamad na naman ako. Wala naman kasing magawa dito sa bahay bukod sa routinely household chores na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nagagawa o kung nagawa ko nga ba talaga ang mga ‘yon minsan sa buhay ko.

Sa kabilang banda, may mga mapaglilibangan naman dito sa bahay. Nariyan na ang mga board games tulad ng: sungka [isang larong Pinoy], chess [sino ba naman ang hindi pa nakakarinig ng larong ito. Bagong silang siguro.], equalizer [parang scrabble pero arithmetic ang main concept. Digits at mathematical operators yung nilalaman nung tiles. Hindi ba obvious na elementary pa lang ako ay baliw na sa math? :P], game of the generals [laro ito na proudly Pinoy ang nag-imbento, parang chess pero ang piyesa ay mga posisyon sa military (general, lieutenant, captain, etc.) pero di gaya ng chess, hindi nakikita ng kalaban yung mga piyesa nung isa. May kalayaaan din yung mga manlalaro na maisaayos yung mga piyesa nila sa ano mang paraan.], domino, at playing cards. Ang problema, wala akong makakalaro.

Nandito rin si Mama. Pero, Diyos ko, sawang-sawa na akong makipag-usap sa kanya. Puro tungkol lang naman sa school, sa mga kaibigan ko at kung anu-ano pang mga kwento na maaaring lumipad sa hangin o dili kaya’y makasira ng CD dahil sa sobrang kagasgasan ng mga pinag-uusapan namin. :)

Mabuti pa ‘pag nasa UP[LB] ako. Napakaraming pwedeng gawin. Napakaraming pwedeng mapag-usapan na LOHIKAL at NAPAPANAHON. Ewan ko ba kung bakit sadyang hindi pare-pareho ang mga bagay-bagay sa mundo, kaya naman tuloy, magulo tayo ngayon.

Oh my… buti na lang bakasyon lang ito. Summer BREAK. Ibig sabihin, matatapos rin. Ayaw ko naman kasi na sa ganito kaagang panahon ay mamahinga na ako ng habambuhay.

Haay, kay sarap ng hanging sariwang inihaw… Aba naman, ang INIT! Waah!

--------------

Wielson: isang UP estupidyante. Babay [sabay kaway].