who subscribes

Sunday, April 11, 2010

A Love Lost That Has Reborn

A Love Lost That Has Reborn


Mahirap tanggapin na hindi ka mahal ng isang taong minahal mo nang minsan. Pero, sa tingin ko, higit na mahirap tanggapin kung kinalimutan ka ng taong minsan minahal ka at minahal mo nang lubusan.

Ganiyan ang nangyari kina Andy at Susan. Di man sinasadya ay nakalimutan ni Andy si Susan pati na rin ang kanilang pinagsamahan sa kanilang buhay-mag-asawa. Nagkaroon kasi ng Alzheimer’s disease si Andy.

Isang malaking pagsubok ito para kay Susan. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maalala siya ni Andy. May mga pagkakataong nakaaalala si Andy, may mga panahon namang hindi.

Gaya ng pakikipaglalaban nila sa kanilang pagmamahalan. Walang hanggan. Walang limutan…
[on Claudine, April 10,2010 episode]