Missing: UP[LB]
Summer. Wala ako sa UP[LB]. Kaya naman heto ako ngayon, nangungulila sa mapagkandiling pagmamahal ng Pamantasan kong mahal.
Isipin ninyo. Hanggang sa panaginip ay sinusundan ako ng mga klase ko nitong nagdaang semestre.
March 30. Pupunta ako sa UP[LB] para alamin ko ang grade ko sa English 2. Bago ako gumising napanaginipan ko ang klase ko, sina Ma’am at mga classmates ko. Kakaiba nga lang kasi nakaupo ako sa may bandang gitna. Nasa unahan kasi ako sa klase namin eh.
April 5. Wala naman akong gagawin na tungkol sa UP[LB]. Ewan ko kung bakit ako nanaginip tungkol sa Social Science 3. Pinag-finals daw kaming lahat, tapos ang exam room ay sa Science Lab nung high school ko. Na-late daw ako kasi nakalimutan ko kung anong oras yung exam. Napaka-ironic nung mga tanong sa exam kasi may mga tanong na hindi naman connected sa subject.
Siguro nami-miss ko lang ang UP[LB]…
------------
Wielson: isang UP[LB] estupidyante. :)