who subscribes

Sunday, April 11, 2010

Authorized Personnel Only

Authorized Personnel Only


Authorized Personnel Only

Madalas ko ito makita sa mga pinto na nanghaharang sa mga taong-labas upang makapasok sa loob. Kumbaga, important business transactions lang ang pwede mong maging dahilan para makapasok ka.

Authorized Personnel Only

Mahirap matanggap sa trabaho ko. Hindi ko nga alam kung ano ang mayroon sa amin ng mga katrabaho ko, kung ano ang nasa amin para matanggap sa trabahong ito. Kapareho lang naman ng ginagawa naming sa ibang kumpanya. Minsan nga, naiisip ng iba na lumisan na lang para makahanap ng mas malaking sweldo… ng mas magandang oportunidad. Pero ako, hindi ko iiwan ang kumpanyang ito… kahit apat na taon lang ang kontrata ko. Pwede raw mag-extend ng termino dito, subalit ayaw ko nang patagalin pa. Gusto ko nang matapos ang trabaho ko sa loob ng apat na taon. May isa pa namang paraan para hindi ako mawalay sa kumpanyang ito. Pumirma ulit ako ng isa [ang kontrata pagkatapos nitong sa ngayon.

Authorized Personnel Only

Madalas hinahabol-habol ng mga mag-aaral na nakatung-tong na sa huling taon ng mataas na paaralan ang Unibersidad. Di ko alam kung naniniwala rin sila katulad ko sa mahika ng pamantasang ito. Mahika na kung minsan hindi maramdaman, o hindi makamtan ng mga authorized personnel sa loob nito.

Authorized Personnel Only

Mayroon din ito sa Unibersidad ko, nga lamang, hindi sa mga pintuan makikita ang mga salitang ito. Kung makikita mo man, kahit imposible, sigurado akong hindi ito dahil importante ang gagawin mo sa loob. Ito ay dahil obligasyon mong pumasok sa loob.

Authorized Personnel Only

Karangalan ng isang tao sa Unibersidad ang mapayagan mamalagi at mag-aral dito. Kaya kapag nakapasok ka na, ‘wag nang maghanap ng iba. Kung hindi ka naman payagang makapasok, humanap ka ng iba. Patunayan mong karapat-dapat kang pumasok. Bumalik ka upang sabihing handa ka na sa hamon ng buhay sa loob. Kung nasa loob ka na, hangga’t maaari, pumirmi ka sa kung saan ka inilagay… mahirap ang magulo.

Alam mo na siguro ang gagawin mo? J