who subscribes

Tuesday, March 23, 2010

the year has passed, my hair has changed.. should i be sorry?

akalain ninyo yon? nakatapos na ako ng isang taon sa pag-aaral sa kolehiyo. at sa'n ka pa? sa UP 'yon! [allow me to boast, it's just something to be proud of. you know.]



QUESTION: ano ang mga nangyari sa mga taong lumipas?

sariwa pa rin yung mga alaala ng panahong nag-aapply pa lang ako para sa UPCAT nung June 2008. si mama pa yung nag-asikaso nun. siyempre, may klase kaya hindi ko magagawa yun malamang. yung 475 pesos na binayaran para sa examination fee [450 para sa exam, 25 para sa landbank]. tapos, ayan na ang August 2, UPCAT na. it’s a hello to my future, kumbaga.

On the January of the next year, lumabas ang results. Nalamn kong lima kaming pumasa sa UPCAT, namely ako, si Eunice, si April, si Ryan [na ang tatlong nauna ay nasa UPLB din], at si Hope [na nasa Diliman]. Una kong nalaman na pumasa ako ng UPCAT sa kapit-bahay namin. Medyo close kasi sila ni mama. Medyo lang naman. At napakalaki ng pasasalamat ko sa kanila. Dalawa kasi sa pinaka-importanteng exams na nai-take ko ay sila ang nagpahayag ng magandang balita ng pagpasa ko, sa UPCAT nga at yung sa DOST Scholarship.

Napakalaking turning point ng buhay ko ang 2009. isipin mo: 2009 ako nagtapos ng pag-aaral sa high school. 2009 ko nilisan ang alma mater ko na sampung taon ko ring ‘pinagtiisan’. 2009 ko na-realize na napakalaki pala ng mundo.. at napakaraming bagay ang maihahatid sa akin nito. 2009 ako naging iskolar ng bayan. 2009 ako naging kolehiyo. 2009 ang taon na kung kailan ko inihahanda ang sarili kong kinabukasan.


QUESTION: ano ang masasabi mo ngayong nasa UP[LB] ka na?

[*say this na parang ikaw si PGMA nung nag-sorry siya sa madlang pipol* I am happy.]

sino nga ba ang mag-aakala na matutupad itong pangarap kong ito? Hahaha! Pero wala naming masama sa pangangarap, lalo na kung gagawa ka ng paraan para makamtan mo ito. O, heto ako, nakatupad na ng isa sa mga pangarap ko, at ng karamihang mag-aaral.

wala naman akong pinagsisihan na BS Mathematics ang kurso ko [kahit nung una mayroon talaga], na mas pinili ko ang UPLB kaysa sa Diliman [FYI, first choice ko ang UPLB, pati ang course ko ditoo] at mas lalo akong walang pinagsisisihan sa kung saan ako naroroon ngayon.


TANONG: what hooked you up with UPLB?

Marami sa mga kaibigan ko ang nagbabalak na mangibang-campus dahil siguro sa proximity ng Diliman [ay sorry nadulas ako!] sa tirahan nila o dili kaya’y dahil doon sa tinaguriang large class policy. Ewan ko bahala na sila doon. Basta ko, hindi ko iiwan ang UPLB sa loob ng apat na taon kong pananahan dito. Minsan napapaisip din ako, ano nga ba ang mayroon sa UPLB o kahit sa LB lang na hindi magbibigay sa akin ng dahilan para umalis at iwan ang lugar na ito.

Sa tingin ko, malaking bearing ang standards ko sa pagpili ng eskwelahan na magkakanlong sa akin. Sabi ko kasi noon sa sarili ko, ayaw kong mag-aral sa Maynila, magulo, ma-traffic, maingay, et cetera kasi doon. [naalala ko tuloy si hope na nagsasabi sa mga kaklase naming noong high school na, “hoy, wag ka ngang magtanong diyan. Manila-hater yan eh!”]. ayun, kaya ako nasa UPLB kasi naniniwala ako na ang environment ay malaking factor para sa mahusay na pag-aaral at pagkatuto ng isang mag-aaral. Masarap [natikman ko na eh!] ang simoy ng hangin sa LB, hindi polluted. Tahimik. Kaunti lang ang galaan, at temptasyon [read: tukso]. Hindi kami daanan, tagusan ng mga hindi naman sa campus namin pupunta [kasi dulo ng Lopez avenue ang UPLB].

Naging dahilan pa ng pagpili ko sa UPLB ang tsismis na narinig ko na maganda raw ang turo ng Mathematics dito kumpara sa….

Nagustuhan ko rin sa UPLB ang lapit ng mga classroom/building sa isa’t-isa, exluding CFNR, given na yun na dapat sa bundok sila, kaya nga forestry eh. Dapat nasa forest. Hindi mo na kasi kailangang sumakay pa para makapunta sa klase mo, pa-consuelo pa ang laking tipid mo sa sais pesos na ibabayad mo sa jeepney-ng pakanan o pakaliwa.

[*humming* hmmhmm... UP is such a wonderful place to be...]

Uy, isa pa palang dahilan ang nakakatuwang arkitektura-estatwa rito. Sina Oble [na nasa may CAS bldg.], Maryang Banga [na may park nang nakapaligid ngayon], Pegaraw [na hindi pa rin klaro sa akin kung isa siyang Pegasus na tamaraw o Pegasus na kalabaw] at tsaka yung nakapwesto dun sa may garden sa may CEAT-Plant Nursery [anung tawag dun sa garden na yun at dun sa taong bumababa raw galing sa pwesto niya at naglalakad pag hatinggabi?].

Pero ang totoo niyan, wala talaga sa mga nauna kong nasabi na mga dahilan ang nagpapanatili sa pagmamahal ko kay.. sa UPLB. Narito o:

Ang UPLB kasi ay isang napakalaking frr.. facebook dahil sa halos lahat ng mga tao dito ay magkakakilala dahil na rin siguro sa mga pagkakataong kung sino-sino ang kaklase mo sa mga subjects mo: mga blockmates, mga batchmates sa UPLB at sa org, mga ate at kuya mo na upclass, mga estudyanteng mukang hindi taga-UP o mga walang tulog, kinain, ligo, o bolpen. Pero, kahit anung mangyari, masaya kayo sa piling ng bawat isa at nagja-jive naman kasi ang mga interes niyo sa buhay.

Ang UPLB na rin kasi ang nakapagturo sa akin, sa loob ng napakaikling panahon, ng pagiging objective sa aking mga pananaw. Dahil yun sa Philo class ko, at sa mga ka-eskwela kong napaka-rasyonal.

-------------------------------------------------------------------------------

[it took me so long to be with you...
Now I realize, we’re better than one...]

-------------------------------------------------------------------------------

Sigh, nothing is always with me in this world. I might be experiencing bliss right now, but tomorrow, it might change into sorrow. We can never be sure with a life so unpredictable. All we can do is to be ready for all possibilities and to treasure every moment that pass, for we, in the end, will pass away too. [haha!]

-------------------------------------------------------------------------------

Wielson Mejes Factolerin po... Muling umeepal sa browser ninyo!
Salamat sa pag-aaksaya ng panahon sa akin!

So long...


P.S: thanks ayie! naisip ko tuloy tong topic na to..
P.S: anlayo nung title ano?

1 comment:

  1. ehem.
    parang marami rami din akong makkwento pagdating dyan. :))
    anyway, cheers to one academic year in U.P. :)

    ReplyDelete