Para sa mga makakabasa nito, please bear with me. I don't have the right to judge such act. But, this post contains mere reactions and PERSONAL thoughts. Maaaring magkaiba tayo ng paniniwala, kaya tolerance na lang ang hinihiling ko.. :))
Napakakulay talaga ng buhay Iskolar ng Bayan. Nariyan na ang napakahirap na mga subjects [at professors!], napakagulong gabi sa mga kainan sa paligid ng campus, napakasayang mga kaibigan... at hindi na rin siguro maiiwasan ang mga rally-rally sa tabi-tabi. Hindi naman kasi rally points ang 'rally' na 'to. You know, the street thing. :)
Kailan lang, around 24 hours ago, may isa na namang insidente ng rally sa UP BoR meeting. Worse, may napinturahan pa...
[Wait, I won't give you details on this. Just click this link:http://www.gmanews.tv/story/186914/up-students-lob-plastic-bags-of-paint-at-school-official]
What I am about to do is to share my thoughts/reactions regarding this incident...
Nakakalungkot isipin na kaya ng ibaba ng mga kapwa ko Iskolar ng Bayan ang sarili nila sa ganung lebel. Uhm, sa pagkakaalam ko, tine-train kaming mga Iskolar para mag-ugaling edukado [at maging edukado]. Sa tingin ko hindi ganun ang paraan ng isang edukado.
Nanghinayang din ako run sa paint balls na isinaboy nila kay UPLB Chancellor Luis Rey Velasco. Hindi naman kasi yun libre, di ba? Hehehe, sorry naman po, can't afford ko ang pagbili ng paint balls. Moreover, kung meron man ako nun, can't afford kong sayangin yon para lamang itapon.
Hindi naman kasi tayo dapat nagagalit sa mga regent. Mga tagasunod lang sila at kanilang tungkulin ang sumunod. Nga lamang, sila ang pinakamalapit na malalapitan ng mga mag-aaral kaya madalas man sa hindi, nasa kanila ang bunton ng galit o sisi.
Naranasan ko na rin namang magkipag-rally once against sa large class minsan dito sa UPLB, pero, may isang aspetong kapansin-pansin: kulang ang pwersa ng mga estudyante. Parang may kung anong factor na wala sa rally/walkout na yon para kaunti lang ang sumama. In this sense, somehow, lumalabas na talaga ang pagiging apathetic at apolitical ng mga present-day Isko't Iska. I-extend pa natin ang statement na ito hanggang sa mahigit limang taong nakalipas.
Tama ang comment ng kaklase ko sa isang wall post ko sa facebook. Ang post ko: ...feels [that] salamin ng Pilipinas ang UP. Ang comment niya: Apathetic people.
Ang mga Iskolar ay mga EDUKADO. Kaya nating daanin ang mga bagay-bagay sa maayos na paraan.
Ang mga Iskolar ay hindi APATHETIC. Tayo narito sa pamantasang ito dahil sa BAYAN. Bilang ganti, dapat tayong maglingkod sa bayan.
Maglingkod ng buong puso, sa maayos at mabuting paraan.
---------------------------------
Heto na naman ang dakilang tsismoso ng UP[LB]. Tingnan mo na lang sa web address ng site na ito kung sino ako. Gee. :)
Ako ay si isko, at ako ay isang UP 'estupidyante'. Araw-araw nakabantay... nakamasid... sa bagay-bagay... sa paligid...
P.S.: May gano'n? hahaha!
who I am
- wielson cute
- Isang taong puno ng pangarap. Nais ay maginhawang buhay sa Pilipinas na kanyang Mahal --- A man full of dreams. [cannot translate the rest. :P]
what were my thoughts
-
▼
2010
(56)
- ► December 2010 (2)
- ► November 2010 (18)
- ► October 2010 (10)
- ► September 2010 (4)
- ► April 2010 (9)