who subscribes

Wednesday, March 31, 2010

Ako ay isang UP estupidyante :)): The Road I’ve Taken

Ako ay isang UP estupidyante :)): The Road I’ve Taken

The Road I’ve Taken




The Road I’ve Taken


Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa isang kalsadang mahaba, na minsan baku-bako, minsan nama’y paliku-liko. Ang bawat kalsada ay may hangganan, may dead end na kung kailan mararating ng isang tao ay walang nakakaalam. Isa lang naman ang masasabi ko sa kalsadang ito, panigurado, hirap at ginhawa ang sabay mong nararamdaman sa bawat minutong lumilipas sa biyahe mo.

Ako? Masaya naman ako sa pinili kong daan. Sa kung nasaan ako ngayon sa kalsada ng buhay ko ay dahil sa mga daang tinahak ko noon. At wala naman akong pinagsisisihan doon.

Madalas kong nakukwento sa mga kaibigan ko na napakalaking turning point sa buhay ko ang kolehiyo. Dito ko nalaman na “there’s more in store for me in this life”. Napakabukas kasi sa napakaraming kaalaman, ideolohiya, paniniwala, karunungan at sa kung anu-ano pa sa Unibersidad. Kaya ngayon, hindi ko lubos maisip kung gaano ako kaiba sa kung ano ako dalawang taon pa lamang ang nakalipas.

--------------------

Dalawang taon ang nakalipas…

Sa wakas! Isang taon na lang ang gugugulin ko sa high school at college na ako! Yehey!

Pero may isa akong napakalaking problema… Ano nga ba ang kukunin kong kurso? At isa pa, saan ako mag-aaral? Hala. Hindi naman pupwedeng hahayaan ko na lang na magpaka-impulsive ako sa pagdedesisyon ko dahil ang kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Mas lalo naming hindi ko papayagan na mga magulang ko ang magdesisyon para sa akin. Hindi naman kasi sila nag mag-aaral para sa akin. Hala ka. Mag-isip ka na Wielson.

Hunyo. Unang araw ng klase…

Hoy, kaklase! Grabe ano? Isang taon na lang pala… magtatapos na tayo. Ang buhay nga naman, tunay na napakabilis. Alam mo, kung pwede nga lang sanang pigilan ang pag-ikot ng mundo ay ginawa ko na. Minsan kasi, parang hindi na ako makasabay sa pag-ikot ng mundo. Hay.. ewan ko ba. Ikaw, ano bang binabalak mo pagkatapos mong mag-high school? [Hehe, hindi ko pa rin nga alam eh…] Hala ka. [Ikaw ba?] Hindi ko pa rin alam…

Hunyo. Ikalawang linggo ng klase…

[Okay class. Mayroon na ko ritong application form sa UPCAT. Kaso dalawa lang ‘yung napadala sa ating kopya. Ipa-photocopy ninyo na lang. Oh, sinong may gusto ng kopya?] Ma’am, akin na lang po ‘yung isa. [Oh sige, kanino pa ang isang natitira?]

Hunyo.  Ikalawang linggo ng klase… kinahapunan.

Mama, may binigay sa aming application form ng UPCAT si Ma’am Tandog kanina…

Agosto. Hapon ng ikalawang araw ng buwan.

Naku, naku. Kinakabahan na ako. Paano kung hindi ako pumasa? Paano na?! 
Hay. Bahala na. Nandito na ‘ko, kaya tuloy-tuloy na ‘to.

Agosto. Gabi ng ikalawang araw ng buwan.

Hay. Sa wakas tapos na. Kung ano ang man ang mangyari, wala na akong magagawa roon.

Enero ng sumunod na taon.

Pumasa raw ako? Matingnan nga… Wooh. Oo nga! Grabe.

--------------------

Sariwa pa rin sa akin ang mga alaalang ito. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga taong nagdaan. Lalo na ngayong nakaraos na ako ng isang taon sa kolehiyo. Talaga nga naman… ang buhay sadyang mapagbiro. Kung ano man ang mangyayari kinabukasan wala na akong magagawa. Didiretsuhin ko na lang ang kalsadang ito.

Bukod sa klase ng mga lugar na napuntahan ko at mga bagay na naranasan ko sa kalsadang ‘to, hindi rin forgettable ang mga taong nakasabayan ko sa biyahe ko lalo na ‘yung two years ago. Minsan, nagkakasabay lang kami sa stopover ng kaniya-kaniya naming mga biyahe. Mayroon naming iba na nakisabay na lang at bumaba sa kung saan siya pupunta. Kung ano man ang pinagsamahan naming, korni man o seryoso, malungkot man o masaya, isa lang ang masasabi ko. Salamat.

Salamat sa kakornihan ninyo sa tuwing magkakwentuhan tayo.

Salamat sa pakikinig at pang-iisnab minsan sa akin.

Salamat sa mga sagot na naibigay ninyo sa akin, at sa pagtanggap na rin sa mga sagot na binigay ko.

At nakahihigit sa lahat, salamat sa pagtanggap sa akin bilang ako… kung sino ako.

Akalain ba ninyong isang taon na rin ang lumipas mula nang tayo ay nagkahiwalay? Marami nang nagbago sa bawat isa sa atin subalit marami pa rin namang hindi. Isang bagay lang ang hindi dapat magbago. Ang pagkakaibigan natin.

--------------------

Let’s keep moving on with separate lives. Though, our lives may still intertwine at some point in time. J

--------------------

P.S.: Sa mga bago kong kaibigan, ‘wag kayong mag-alala… may ganito rin kayo. Nga lamang, matagal pa ‘yun. Sulitin muna natin ang isa’t-isa habang magkakasama pa tayo.

--------------------
wielson
up_estupidyante

Sunday, March 28, 2010

Rock life with college.

Written March 26, 2010


This day has rocked my college life big time!

Well, it started with a waking up early this morning. I heard my 2330 classic sound its alarm past 7. I opened my eyes with hope that the news I'll hear later is at least good.

After fixing myself in the bedroom, I readily went to the kitchen, cooked my Nissin Yakisoba and ate it right after.
I opened my laptop one or two hours after breakfast wishing that the good news will welcome me in my Yahoo mailbox. But it was not there. I resorted to turning my laptop off once... twice...

10 o'clock. I ate my lunch this early while tuning in an FM station which happens to be interviewing Senator Richard Gordon. Whenever I am upset, frustrated or excited for something, I always feel like throwing up what I am eating. Today, I experienced the similar sensation that haunted me hours before UPCAT. But, it is more intensified this time. Maybe because what I was expecting to happen is crucial for my self-assessment of whether I deserve my slot in this university or not.

After lunch, I checked it once more. Darn, it is not yet there.

Frustrated, I took a bath, changed my clothes, organized what I will bring and there I went to the place I have grown to love.

I traveled to my home as if today is just an ordinary day.

----------------------------------

I was so amazed with what had happened that day. I wonder if I could repeat things all over again. :)

Thursday, March 25, 2010

My first 'rally' point...

Para sa mga makakabasa nito, please bear with me. I don't have the right to judge such act. But, this post contains mere reactions and PERSONAL thoughts. Maaaring magkaiba tayo ng paniniwala, kaya tolerance na lang ang hinihiling ko.. :))


Napakakulay talaga ng buhay Iskolar ng Bayan. Nariyan na ang napakahirap na mga subjects [at professors!], napakagulong gabi sa mga kainan sa paligid ng campus, napakasayang mga kaibigan... at hindi na rin siguro maiiwasan ang mga rally-rally sa tabi-tabi. Hindi naman kasi rally points ang 'rally' na 'to. You know, the street thing. :)

Kailan lang, around 24 hours ago, may isa na namang insidente ng rally sa UP BoR meeting. Worse, may napinturahan pa...

[Wait, I won't give you details on this. Just click this link:http://www.gmanews.tv/story/186914/up-students-lob-plastic-bags-of-paint-at-school-official]

What I am about to do is to share my thoughts/reactions regarding this incident...

Nakakalungkot isipin na kaya ng ibaba ng mga kapwa ko Iskolar ng Bayan ang sarili nila sa ganung lebel. Uhm, sa pagkakaalam ko, tine-train kaming mga Iskolar para mag-ugaling edukado [at maging edukado]. Sa tingin ko hindi ganun ang paraan ng isang edukado.

Nanghinayang din ako run sa paint balls na isinaboy nila kay UPLB Chancellor Luis Rey Velasco. Hindi naman kasi yun libre, di ba? Hehehe, sorry naman po, can't afford ko ang pagbili ng paint balls. Moreover, kung meron man ako nun, can't afford kong sayangin yon para lamang itapon.

Hindi naman kasi tayo dapat nagagalit sa mga regent. Mga tagasunod lang sila at kanilang tungkulin ang sumunod. Nga lamang, sila ang pinakamalapit na malalapitan ng mga mag-aaral kaya madalas man sa hindi, nasa kanila ang bunton ng galit o sisi.

Naranasan ko na rin namang magkipag-rally once against sa large class minsan dito sa UPLB, pero, may isang aspetong kapansin-pansin: kulang ang pwersa ng mga estudyante. Parang may kung anong factor na wala sa rally/walkout na yon para kaunti lang ang sumama. In this sense, somehow, lumalabas na talaga ang pagiging apathetic at apolitical ng mga present-day Isko't Iska. I-extend pa natin ang statement na ito hanggang sa mahigit limang taong nakalipas.

Tama ang comment ng kaklase ko sa isang wall post ko sa facebook. Ang post ko: ...feels [that] salamin ng Pilipinas ang UP. Ang comment niya: Apathetic people.

Ang mga Iskolar ay mga EDUKADO. Kaya nating daanin ang mga bagay-bagay sa maayos na paraan.

Ang mga Iskolar ay hindi APATHETIC. Tayo narito sa pamantasang ito dahil sa BAYAN. Bilang ganti, dapat tayong maglingkod sa bayan.

Maglingkod ng buong puso, sa maayos at mabuting paraan.

---------------------------------

Heto na naman ang dakilang tsismoso ng UP[LB]. Tingnan mo na lang sa web address ng site na ito kung sino ako. Gee. :)

Ako ay si isko, at ako ay isang UP 'estupidyante'. Araw-araw nakabantay... nakamasid... sa bagay-bagay... sa paligid...



P.S.: May gano'n? hahaha!

Tuesday, March 23, 2010

the year has passed, my hair has changed.. should i be sorry?

akalain ninyo yon? nakatapos na ako ng isang taon sa pag-aaral sa kolehiyo. at sa'n ka pa? sa UP 'yon! [allow me to boast, it's just something to be proud of. you know.]



QUESTION: ano ang mga nangyari sa mga taong lumipas?

sariwa pa rin yung mga alaala ng panahong nag-aapply pa lang ako para sa UPCAT nung June 2008. si mama pa yung nag-asikaso nun. siyempre, may klase kaya hindi ko magagawa yun malamang. yung 475 pesos na binayaran para sa examination fee [450 para sa exam, 25 para sa landbank]. tapos, ayan na ang August 2, UPCAT na. it’s a hello to my future, kumbaga.

On the January of the next year, lumabas ang results. Nalamn kong lima kaming pumasa sa UPCAT, namely ako, si Eunice, si April, si Ryan [na ang tatlong nauna ay nasa UPLB din], at si Hope [na nasa Diliman]. Una kong nalaman na pumasa ako ng UPCAT sa kapit-bahay namin. Medyo close kasi sila ni mama. Medyo lang naman. At napakalaki ng pasasalamat ko sa kanila. Dalawa kasi sa pinaka-importanteng exams na nai-take ko ay sila ang nagpahayag ng magandang balita ng pagpasa ko, sa UPCAT nga at yung sa DOST Scholarship.

Napakalaking turning point ng buhay ko ang 2009. isipin mo: 2009 ako nagtapos ng pag-aaral sa high school. 2009 ko nilisan ang alma mater ko na sampung taon ko ring ‘pinagtiisan’. 2009 ko na-realize na napakalaki pala ng mundo.. at napakaraming bagay ang maihahatid sa akin nito. 2009 ako naging iskolar ng bayan. 2009 ako naging kolehiyo. 2009 ang taon na kung kailan ko inihahanda ang sarili kong kinabukasan.


QUESTION: ano ang masasabi mo ngayong nasa UP[LB] ka na?

[*say this na parang ikaw si PGMA nung nag-sorry siya sa madlang pipol* I am happy.]

sino nga ba ang mag-aakala na matutupad itong pangarap kong ito? Hahaha! Pero wala naming masama sa pangangarap, lalo na kung gagawa ka ng paraan para makamtan mo ito. O, heto ako, nakatupad na ng isa sa mga pangarap ko, at ng karamihang mag-aaral.

wala naman akong pinagsisihan na BS Mathematics ang kurso ko [kahit nung una mayroon talaga], na mas pinili ko ang UPLB kaysa sa Diliman [FYI, first choice ko ang UPLB, pati ang course ko ditoo] at mas lalo akong walang pinagsisisihan sa kung saan ako naroroon ngayon.


TANONG: what hooked you up with UPLB?

Marami sa mga kaibigan ko ang nagbabalak na mangibang-campus dahil siguro sa proximity ng Diliman [ay sorry nadulas ako!] sa tirahan nila o dili kaya’y dahil doon sa tinaguriang large class policy. Ewan ko bahala na sila doon. Basta ko, hindi ko iiwan ang UPLB sa loob ng apat na taon kong pananahan dito. Minsan napapaisip din ako, ano nga ba ang mayroon sa UPLB o kahit sa LB lang na hindi magbibigay sa akin ng dahilan para umalis at iwan ang lugar na ito.

Sa tingin ko, malaking bearing ang standards ko sa pagpili ng eskwelahan na magkakanlong sa akin. Sabi ko kasi noon sa sarili ko, ayaw kong mag-aral sa Maynila, magulo, ma-traffic, maingay, et cetera kasi doon. [naalala ko tuloy si hope na nagsasabi sa mga kaklase naming noong high school na, “hoy, wag ka ngang magtanong diyan. Manila-hater yan eh!”]. ayun, kaya ako nasa UPLB kasi naniniwala ako na ang environment ay malaking factor para sa mahusay na pag-aaral at pagkatuto ng isang mag-aaral. Masarap [natikman ko na eh!] ang simoy ng hangin sa LB, hindi polluted. Tahimik. Kaunti lang ang galaan, at temptasyon [read: tukso]. Hindi kami daanan, tagusan ng mga hindi naman sa campus namin pupunta [kasi dulo ng Lopez avenue ang UPLB].

Naging dahilan pa ng pagpili ko sa UPLB ang tsismis na narinig ko na maganda raw ang turo ng Mathematics dito kumpara sa….

Nagustuhan ko rin sa UPLB ang lapit ng mga classroom/building sa isa’t-isa, exluding CFNR, given na yun na dapat sa bundok sila, kaya nga forestry eh. Dapat nasa forest. Hindi mo na kasi kailangang sumakay pa para makapunta sa klase mo, pa-consuelo pa ang laking tipid mo sa sais pesos na ibabayad mo sa jeepney-ng pakanan o pakaliwa.

[*humming* hmmhmm... UP is such a wonderful place to be...]

Uy, isa pa palang dahilan ang nakakatuwang arkitektura-estatwa rito. Sina Oble [na nasa may CAS bldg.], Maryang Banga [na may park nang nakapaligid ngayon], Pegaraw [na hindi pa rin klaro sa akin kung isa siyang Pegasus na tamaraw o Pegasus na kalabaw] at tsaka yung nakapwesto dun sa may garden sa may CEAT-Plant Nursery [anung tawag dun sa garden na yun at dun sa taong bumababa raw galing sa pwesto niya at naglalakad pag hatinggabi?].

Pero ang totoo niyan, wala talaga sa mga nauna kong nasabi na mga dahilan ang nagpapanatili sa pagmamahal ko kay.. sa UPLB. Narito o:

Ang UPLB kasi ay isang napakalaking frr.. facebook dahil sa halos lahat ng mga tao dito ay magkakakilala dahil na rin siguro sa mga pagkakataong kung sino-sino ang kaklase mo sa mga subjects mo: mga blockmates, mga batchmates sa UPLB at sa org, mga ate at kuya mo na upclass, mga estudyanteng mukang hindi taga-UP o mga walang tulog, kinain, ligo, o bolpen. Pero, kahit anung mangyari, masaya kayo sa piling ng bawat isa at nagja-jive naman kasi ang mga interes niyo sa buhay.

Ang UPLB na rin kasi ang nakapagturo sa akin, sa loob ng napakaikling panahon, ng pagiging objective sa aking mga pananaw. Dahil yun sa Philo class ko, at sa mga ka-eskwela kong napaka-rasyonal.

-------------------------------------------------------------------------------

[it took me so long to be with you...
Now I realize, we’re better than one...]

-------------------------------------------------------------------------------

Sigh, nothing is always with me in this world. I might be experiencing bliss right now, but tomorrow, it might change into sorrow. We can never be sure with a life so unpredictable. All we can do is to be ready for all possibilities and to treasure every moment that pass, for we, in the end, will pass away too. [haha!]

-------------------------------------------------------------------------------

Wielson Mejes Factolerin po... Muling umeepal sa browser ninyo!
Salamat sa pag-aaksaya ng panahon sa akin!

So long...


P.S: thanks ayie! naisip ko tuloy tong topic na to..
P.S: anlayo nung title ano?