It’s Break Time!
Sa wakas! Tapos na ang unang sigwada ng mga klase ngayong semestre.
Makakapagpahinga na rin.
[Eh?]
Makakatulog na rin.
[Hindi rin. Mas napupuyat ako pag bakasyon kasi nasusubaybayan ko na ulit yung sa Telebabad ng GMA-7.]
MakakapagFacebook na rin.
[Teka. Parang may mali. NakakapagFacebook naman ako kahit may klase, may quiz mamaya, o may exam bukas. Haha. Ang pagpeFacebook ay ibang usapan na. Di ba?]
Pero bago ang bakasyon engrande, kailangan natin alalahanin kung ano ba talaga ang dahil
an ng bakasyong ito. More so, kung Sino ang dahilan ng Kapaskuhan. Ang matabang si Santa [Claus] ba na nanggaling sa North Pole kasama ang kanyang mga reindeers na dumaraan sa mga chimneys [kahit wala nito sa Pilipinas] para maiabot ang mga regalo sa mga batang nagpakabait buong taon na hanggang ngayon eh hindi mo pa rin alam kung pa’no niya nalalaman, kung may bolang kristal ba siya katulad nung sa TVC ng Coke? O ang batang cute katulad ko na si Baby Jesus na nag-umpisa ng Salita ng Diyos, ng kabutihan at pagmamahalan sa sanlibutan?
Nakakalungkot lang isipin na mas marami pa tayong naiisip tungkol kay Sanat Claus kaysa kay Hesukristo. We should get a life – a real life in this sense!
It’s about time for us to reflect and forgive especially this Yuletide season.
Merry Christmas and a Happy New Year to us all and uhm… yeah, Happy Vacation! :))