Faces of Love
Minsan, pag-ibig ay lubusan
Hahamakin lahat
Makapiling ka lang
Kay tagal mo nang hinintay
Nakamtan mo na
Ngunit nawala at naglaho pa
Minsan, pag-ibig ay walang hanggan
Susubukin ng panahon
Sasalungatin ng tadhana
Tanang hirap ay dinanas na
Ginawa na ang lahat
Sadyang hindi lang talaga makakaya
Minsan, pag-ibig ay katuwaan
Seryoso noon
Kalokohan lang pala
Inialay na ang buhay at lahat
Inibig mo ng tunay
Pinaglaruan ka lang pala
Minsan, pag-ibig ay di kagustuhan
Ibang tao ang naghirang, nagdikta
Sa’yong pusong naghihirap, nagdurusa
Kung sana’y nagawa lang ipaglaban
Di na sana iniwan
Tunay na iniirog at sinisinta
Minsan, pag-ibig ay sapilitan
Sinamantala’ng kahinaan
Puso mo’y iniwang sugatan
Ngayon ikaw ay nag-iisa
Nagsisisi, nangungulila
Muling nangarap na may pag-asa pa
Minsan, pag-ibig ay karuwagan
Pinakawalan mo na, pero
Ikaw ang mahal niyang talaga
Panghihinayang, wala nang halaga
Pagkakatao’y lumipas na
Wala ka nang magagawa pa
Minsan, pag-ibig ay nabubulagan
Mahal ka raw niya, subalit
Tunay na mahal niya’y iba na
Nagsasakripisiyo ka na at umiibig
Ng matapat at makatotohanan,
Ngunit ikaw ay ipinagkanulo pa
Bakit ba ang tunay na pag-ibig
Minsanan lang dumating
Sa pusong nangangarap pa man din?
Ninanais mo nang sobra-sobra
Idinadalangin mo pa
Hanggang kailan mo kayang umasa?
Alin nga kaya ang mas mainam
Ang umibig ng habambuhay
O kalimutan na lang ang nagdaan?
Pag-ibig nga kaya’y ni kailanman
Hindi na magiging perpekto
Para sa dalawang taong umiibig ng totoo?
Pag-ibig, hindi ko alam kung ano ito
Tulad ba ng gusaling di matinag
Ng anumang trahedya o delubyo?
Pag-ibig, isa lang ang nasisigurado ko
Magulo pero makulay din ito
Mapalad lahat ng taong nakaranas nito