Panahon pa lamang ng pangangampanya, ipinagmamalaki na ni P-Noy na dadalhin niya ang Pilipinas sa matuwid na daang kanyang tatahakin. Pinanindigan na rin niya na kung walang korap, walang mahirap.
Sa kanyang talumpati, ipinangako niyang tutuparin niya ang paglipol ng katiwalian at korapsyon. Ngunit tila yata nagiging salbabida ng mga dating gabinete ni PGMA ang kanyang administrayon. Nariyan sina Dinky Soliman at Hilario Davide.
Hindi natin maikakaila na ang kanyang mga magulang ay kasama sa mga dahilan kaya siya naluklok sa pwesto ngayon. Buhay pa ang Cory Magic, naniniwala ang mga Pilipino kay P-Noy.
Ako ma'y naniniwalang may pagbabago. Mababago pa ang estado ng Pilipinas. 'Yun ay kung magkakaisa tayo sa pagkilos kasama ng pamahalaan.
Ako ma'y puno rin ng pag-asa.
Pero... ewan ko na lang...
--------------------------
This is a shortened version of one of my outputs in Math 101 - Logic and Set Theory.