Katotohanang Magpapalaya Sa Bayan
Sobrang na-excite ako ngayong panahon ng eleksyon. Unang pagkakataon kasing magkakaroon ng makabago at automated na eleksyon ditto sa Third World na Pilipinas. Utopian, pero nangyari. Hindi man ganoon katagumpay, ok na rin, una pa lang naman eh. Napakarami pang susunod na panahon para mabago ang mga glitches whatsoever na nagpatagal at nagpagulo sa sistema ng eleksyon ngayong taong ito.
Isa pang nakapagpatuwa sa akin ng husto [pero hindi ko alam kung tama bang natuwa ako rito] ay ang kakaibang bilis ng mga resulta. Mantakin niyo, kung noon ilang araw ang hinhintay natin para malaman ang initial na resulta, ngayon kakasara pa lang ng mga presinto, unti-unti nang nakikita ang mga binoto ng mga tao.
Kahapon pa, may mga medyo kulelat na kandidato sa bilangan na isa-isa nang nagco-concede sa frontrunner. Nakakatuwa, pero, hindi kaya nagpapakitang-tao lang sila? Pero, anu’t-ano man, humahanga ako sa pagtanggap nila ng pagkatalo hindi pa man tapos ang bilangan.
2010. Taon ng unang automated na eleksyon sa Pilipinas.
2010. Simula ng pagbabago at pagkakaisa sa tuwid na daan tungo sa kaunlaran.
2010. Pag-asa ang hawak ng bawat Pilipino, na maiiba ang buhay natin, na mas gaganda.
2013. Eleksyon na naman. Sana mas mapanuri at matalino na tayo.
2013. Makakaboto na ako! :)
--------------------
Ako ang simula. Pero, kung ako lang, wala rin. Kung hindi ko tatapusin, wala rin.
May magagawa tayo. Kung magsasama-sama tayo, may pagbabago.