who subscribes

Friday, May 21, 2010

Tatlong Simpleng Dahilan Kung Bakit Ko Mahal Ang Unibersidad

Wielson Mejes Factolerin: Bakit ko mahal ang Unibersidad? Dito lang kasi ako nakararamdam ng kalayaang pumili. Isang kalayaang ni sa hinagap hindi ko makakamtan. Sana lang ang buong Pilinas ay maging katulad ng Unibersidad.
4 minutes ago ·  · Comment · Like


Wielson Mejes Factolerin: Bakit ko mahal ang Unibersidad? Dito lang ako malayang sabihin kung ano ang aking pinaniniwalaan. Dito lang ako malayang maniwala sa kung ano ang pinaniniwalaan ko. Dito lang ako malayang magbigay ng sarili kong opinyon. Hindi man sang-ayon ang iba sa Unibersidad, naiiintindihan nila ang paniniwala ko.
2 minutes ago ·  · Comment · Like


Wielson Mejes Factolerin: Bakit ko mahal ang Unibersidad? Simple lang. Dito ako nabibilang.
about a minute ago ·  · Comment · Like


Photos from http://bit.ly/narinigkosaup

Monday, May 17, 2010

CLASSMATES, ANYONE?

First Semester, A.Y. 2010-2011
hum1 Y
hum2 X-3R
Math101 F
math37 C-3R
nacs2 E
nacs3 V

Saturday, May 15, 2010

SystemOne: UP[LB] Can Make IT

Well, I stayed up this late [early, I suppose] in order for me to make a new account for the new SystemOne. I have been online for 18 hours. Though the SystemOne worked past midnight, I still wasn't able to make one 'cause my connection was poor.

For those who stayed up late with me, and had made accounts successfully or otherwise, kudos to us!
For the SystemOne administrators and developers, good job. Let's keep going!


...
So long.
I'm crazy. -_-

Wednesday, May 12, 2010

Katotohanang Magpapalaya Sa Bayan

Katotohanang Magpapalaya Sa Bayan


Sobrang na-excite ako ngayong panahon ng eleksyon. Unang pagkakataon kasing magkakaroon ng makabago at automated na eleksyon ditto sa Third World na Pilipinas. Utopian, pero nangyari. Hindi man ganoon katagumpay, ok na rin, una pa lang naman eh. Napakarami pang susunod na panahon para mabago ang mga glitches whatsoever na nagpatagal at nagpagulo sa sistema ng eleksyon ngayong taong ito.

Isa pang nakapagpatuwa sa akin ng husto [pero hindi ko alam kung tama bang natuwa ako rito] ay ang kakaibang bilis ng mga resulta. Mantakin niyo, kung noon ilang araw ang hinhintay natin para malaman ang initial na resulta, ngayon kakasara pa lang ng mga presinto, unti-unti nang nakikita ang mga binoto ng mga tao.

Kahapon pa, may mga medyo kulelat na kandidato sa bilangan na isa-isa nang nagco-concede sa frontrunner. Nakakatuwa, pero, hindi kaya nagpapakitang-tao lang sila? Pero, anu’t-ano man, humahanga ako sa pagtanggap nila ng pagkatalo hindi pa man tapos ang bilangan.

2010. Taon ng unang automated na eleksyon sa Pilipinas.
2010. Simula ng pagbabago at pagkakaisa sa tuwid na daan tungo sa kaunlaran.
2010. Pag-asa ang hawak ng bawat Pilipino, na maiiba ang buhay natin, na mas gaganda.

2013. Eleksyon na naman. Sana mas mapanuri at matalino na tayo.
2013. Makakaboto na ako! :)

--------------------

Ako ang simula. Pero, kung ako lang, wala rin. Kung hindi ko tatapusin, wala rin.
May magagawa tayo. Kung magsasama-sama tayo, may pagbabago.